Sunday, August 1, 2010

minor de edad: NOT ANYMORE!





Hindi ko namalayan AUGUST na pala. Noon, itong month lagi ang hinihintay ko. Lalo na yung ika-pitong araw. Nai-excite talaga ako. 5more days at legal na ako. Ang saya. Masasabi ko talaga na hindi na ako bata. Ngayong malapit na akong mag-18, madami akong wishes. Una, sa pamilya ko. Lagi kong dinadasal na sana palagi silang maayos kahit nasa school ako. Lalo na sa Daddy ko. I'm so worried to him kasi hindi ko naman siya laging nakakasama. Tapos tumatanda na sila. Alam niyo bang kahit 'tatay' ko yun, nahihiya ako. Kasi hindi ko maipadama na mahal ko siya. Kahit Father's Day, hindi ko siya ma-greet. Pero deep inside, gustong-gusto ko siyang batiin. I pray to God na sana bigyan siya ng strength sa buhay. Pati sa mga kapatid ko, kahit minsan lagi kaming nag-aaway, still worried din ako sakanila. Pangalawa,sa pag-aaral ko. Gosh. Alam niyo bang pinangarap kong maging DL. Hindi Dropped Lister, hindi Dating Lalaki, kundi Dean's Lister. Pero mga pare, malabo ang pangarap kong yun. Kasi naman, hindi na ako masyadong nag-aaral ngayon. Gala dito, gala doon. Haay.. Buhay estudyante naman oh. Talagang ganyan. Meron pa yung hindi ako pumapasok sa first subject ko kasi late. Pano kasi, napupuyat kakalaro ng Plants vs Zombies. At dala pa ng stress sa araw-araw na biyahe. Bahay, school. School, bahay. Ganun lang. Eto pa ang matindi. Nang minsan na magpunta ako sa birthday, syempre inuman yun. Eh hindi pa ako kumain nun. Hala. Suka dito, suka doon. Buti na lang at may concern pa sakin. Pero sa bandang huli, ako rin lang ang naiwan na babae. Oopps!! hindi ganun sa iniisip mo. Akalain mo yun, nagawa pa nila akong ipaglaba ng bag at damit na nasukahan tas ipagtimpla ng kape. Basta ang mahalaga, safe pa din ako. So much for that. Sana magkaroon ako ng motivation sa pag-aaral. Hmm.. Wala kasi akong inspiration. Kundi mga kaibigan ko na lang.


Last but not the least, totoong kasiyahan. What do I mean by this? Ayokong maging malungkot. Ayokong nagkukunwari lang na masaya ako. Iba kasi pag totoong masaya ka. Eh, ano ba talaga nakakapagpasaya sakin? Simple lang. Mga kalokohan ni Catherine Dumlao, Ka-ek ekan ni Richard Joseph Li. (coughing)..Sikat sila.haha. Pasalamat kayo sakin dali. hehe. Hindi naman ako naghahangad ng material na bagay tulad ng Louis Vuitton, D&G, CK. may ganun??haha.. I'm just hoping na lagi akong maayos talaga at masaya. Walang problema. Walang inaalala. AT higit sa lahat, walang STRESS.

So there. :D

5 comments:

  1. madrama din pala ang mga lalaki...

    ReplyDelete
  2. advance happy 18th birthday joden, ok lng yan ma22pad u din yang pangarap mo...bsta mgAral u lng ng mabuti,hehehehe parang ngAaral din meng mabuti ah,hehehehehe wish q sau sana mahanap u na ung mgma2hal sau ng 2nay at d kah iiwan. ingat kah lgi and Godbless

    ReplyDelete
  3. @ babski: ano un allan? haha.

    @ cessmae: many thanks :))

    ReplyDelete