Tuesday, August 31, 2010

BoyyyyyyF-R-I-E-N-D-S



(left to right: Carl Bernaldez, Jovit Tamondong, Julius Cerezo, Jemar de Guzman, Allan Agsaoay, Jervis Liwanag)

Naisipan ko lang ito kasi wala akong magawa dito sa 3rd floor internet laboratory. And since sila ang napili kong BIDA dito sa blog ko, hayaan niyong ipakilala ko sila ng isa-isa. Ito na. Umpisahan natin kay:

CARL a.k.a. "HELMET"
-> Siya po ang "clown" sa klase. Kung anu-ano kasing ginagawa.Maingay, magulo, patawa ng patawa at pag wala pang instructor, sasayaw yan o kaya magsusulat sa board ng kalokohan. Minsan iniintindi na lang namin kasi sa tingin namin malaki ang problema nito.hehe.joke lang. Pero ang hindi namin alam ay "bookworm" pala siya.Yes.Nagpupunta siya sa library pag vacant namin compare sa iba, naglalaro na ng DOTA.uhm.Carl, mas matino ka pa ata jan sa picture.hehe

JOVIT a.k.a. "KAMOTE"
-> Ito namang si Jovit..uhm..ano ba? Magaling kumanta, loko-loko, tapos ma-jokes din.haha.Nabansagan siyang "KAMOTE" dahil kay isip-ipis(catherine dumlao baylon). Kung alam niyo po ung iFM radio station. dun.Mabait din siya. pag nakasabay mo to at pag may nakita ka, pwede kang magpalibre. Syempre siya maglilibre din pag may pera. Ganun lang yun.Di ba?hehe.Si jovit met parang be bench ang pose niya.haha

JULIUS a.k.a. "G-Lot"
-> Ay..ito ang malufette.haha.Sakanya ko narinig ang mga katagang: "Give me your best shot!".Game na game pag inuman.Tapos, palagi sakanila ang venue pag walang matulugan pag CBA day.Ganun. Natawa din ako nung minsan na mag-check kami ng exam eh may mali siya.Sabi:"Ma'am, considers na!"..Haha.Loko talaga.Nga pala Lot, belated Happy father's Day.hehe.Kaya mo yan.Kaw pa.At pakamusta pala kay Johnny Boy.hehe,joke lang pare. Kung dati ang civil status niya single, ngayon married na. hehe. Si lot pag nagkwe kwentuhan kami niyan, kalokohan met. Minsan lang yung mag usapan na seryoso talaga. Ang maganda kay lot pag tatawa na yan. ay. Sobra. kaya pati kami natatawa na din. Tapos pag exam, sasabihin na lang niya:"Jodz patabi ah."Lot, nahiya ka pang mag-pose jan.haha.Okay lang yan atleast obvious yung "six-pack" mo.haha.Naalala ko din yung line na: "walang inggit" na ginaya ni catherine dumlao baylon [ang].haha

JEMAR a.k.a. "AVATAR"
-> Dahil po sa movie na Avatar kaya ganyan. Dati siyang Accountancy pero nag-shift ng Business Ad. Kaya ayun, naging classmate namin. Nung una ko siyang nakita sa Basic Finance, hindi ko ito masyadong napapansin. Pero di nagtagal, naging close na din.haha. Siya din pala yung nag-alaga sakin nung time na hindi ko nakayanan ang amats ko sa lecheng The Bar Strawberry. Hanla. Pasensya pare ah. Pero atleast, hindi na mauulit yun. Natuto na'ko..salamat.uhm..Okay ka lang ba dyan sa picture?haha.O di naman may pinagdadaanan ka sa mga panahon na yan. Ayos lang yan agua.hahaha.

ALLAN a.k.a. "Ka-eping"
-> Parehas din sila ni avatar na dating accountancy at ngayon kasa-kasama namin sa inuman. Mabait din itong si Allan. Matalino pa lalo na sa Financial Management. Nung minsan maka-kwentuhan ko siya, madami din akong nalaman about sa experiences niya sa buhay. At masasabi ko na bilib din ako sakanya. Nga pala, isa din siya sa mga nag-asikaso sakin nung may amats ako. Siya yung naglaba ng bag ko, pati yung nasukahan ko na damit. Pero naawa lang daw siya sakin nun. Pero ganunpaman, nagpapasalamat pa din ako. Patabi pag exam ah.hehe.Eh..ano namang pinaggaga gawa mo dyan sa pool?hehe

JERVIS a.k.a. "MAYABANG"
-> Haha.Para po sa inyong kaalaman, ako po ang nagbigay ng palayaw na mayabang sakanya. Pano kasi nung minsan na takot ung mag boys sa recitation sa ObliCon ang narinig ko na sinabi niya:"Dun na ako sa likod ta wala silang alam.".Sabi ko naman mayabang ka. At simula nun, mayabang na tawag sakanya. Pinanindigan naman kasi niya.haha. Umiinom din ang gagong to pero ilang shot lang, namumula na. weak kasi. hahaha. Naalala ko nun. Nagpasama ako sakanya sa main para magbayad ng tuition tas nung pabalik na kami ng fame may nakita kaming nagtitinda ng taho. Nagpalibre siya kapalit daw nung pagsama niya sakin. Tas yung minsan naman, nagkaroon kami ng deal na pag nakita niya yung crush niyang accountancy, ililibre niya ako. Then nakita niya ata. Sabi ko nga, libre niya ako ng bananaQ at siya ililibre ko ng palamig. haha. Pero kahit mayabang ito, meron din naman talaga. In demand nga siya during exams. haha.Ito naman si jervis feel na feel i-model yung slide.hahahaha.



Kahit ganyan ang mga yan, the best pa din silang kasama. I'd rather to be with them kesa sa mga maaarteng babae. Sila din yung nagbansag sakin na "D.L." as in dating lalaki. Ay. matatawa ka talaga. Pero ngayon iba na. Alam mo yun. Dati close naman ako sa mga gagong 'to. Pero ngayon may agwat na eh. Hindi na ganun. Hindi ko alam kung bakit. Pero kahit ganun, masaya pa din. Lam niyo nga, mas nagiging ako talaga pag kasama ko na sila. Lam mo yun, walang halong kaplastikan.Uhm.. maxado na akong oa. Tama na.



No comments:

Post a Comment