Thursday, July 29, 2010

MEET CRAZY DAVE





Kung mayroon lang sanang tunog ang larawang yan, medyo matatakot ka din. Uhm. Medyo lang naman. Hehe. Hindi na siguro bago sa inyo ang larong ito. Sabihin na nating 'uso' pa din mapabata o matanda. Ano ba talaga ang sikreto ng Plants vs Zombies bakit ang daming nahihilig o naaadik dito? Para sa akin, ung concept ng laro ay kakaiba. Sa sound effects pa lang, parang totoo na. Marami ka talagang pagpipilian. Mayroong ADVENTURE, MINI GAMES, PUZZLE at ZEN GARDEN.

Salamat na lang sa pinsan ko at na-install niya sa aming computer. At yun nga. Lagi na akong naglalaro pagdating ko ng bahay. Madami nga akong hindi nagagawa pag hawak ko na ang mouse. Andyan pa yung kahit exam, hindi na ako nakakareview. Ganun talaga ako ka-adik. Ang pinaka-maganda dun pag natalo mo na si DR. ZOMBOSS. Mahigpit talaga na laban yun. At meron din yung hindi mo na alam ang pipiliin mong halaman dahil sa sobrang dami ng CHOICES.

So bakit nga ito ang napili kong topic ngayon sa blog ko? Simple lang naman. Dahil sa ang larong ito ay naihahalintulad sa BUHAY natin. Marami mang zombies na dumating, hindi natin sila hahayaang makapasok sa ating bahay. At kailangan lang ng tamang DISKARTE para matalo natin sila.

May 'sense' ba ang mga pinagsasabi ko? Well, nasa iyo na yun kung paano ka sumabay sa agos ng buhay. Tawanan mo man ang nasa blog ko, sigurado sa huli mapapanood mo din ang music video na pinamagatang:


"ZOMBIE ON YOUR LAWN"



Tuesday, July 27, 2010

"nahihiya na"


Nang dahil lang sa isang pagkakamali na hindi inaasahan, maraming nagbago. Kahit sa sarili ko, hindi ko inasahan ito. Maraming sikretong nabulgar. Opo. Hiyang-hiya ako sa mga kaibigan ko, lalo na sa sarili ko. Lalo na yung isang sikreto ay related pa sa taong nakapaligid sa'yo. Hindi ko din alam bakit hindi ko na siya magawang pansinin sa loob ng klase.Lagi na lang akong inaasar ng mga loko-loko. Lagi ko kasing naiisip yung time na yun. Sa totoo lang, wala naman akong gusto dun. Nagkataon lang na magkahawig sila. Dati, nagagawa ko pa siyang asarin, kulitin. Tapos ngayon, biglang nag-iwasan. Sino ba ang nauna? Ako yata? Hindi naman. Kasi nagawa ko pang magbayad ng utang sa kanya nung lunes ng umaga. Ang nakakaasar pa, lagi akong pinaparinggan tungkol dun. Wala naman akong magawa kundi tumahimik kesa naman mag-react at mahalatang 'guilty'. Kahit noon pa man, napapansin ko na may ganun pala. Hindi ko lang sinasabi sa iba kasi baka may masabi sila. Kung ikaw din ang nasa posisyon ko, mahahalata mo din. At yun nga. Nang dahil lang sa isang okasyon, naisiwalat ang hindi dapat maisiwalat. Hindi ko na din kasi alam pinagsasabi ko nun. Pero doon lang din ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin ang mga bagay na yun. At ganun nga. Walang imikan. Walang pansinan. Kung dati nagagawa ko pa siyang kurutin, ngayon hanggang 'TINGIN' na lang. Hmm.. Siya naman kasi talaga nagpa-umpisa ng lahat ng mga salitang nababasa mo ngayon dito. Simpleng tao lang naman siya pero 'mAyAbAng' din. Teka, ano na nga ba itong mga pinagsasabi ko? Tama na. Masyado na akong "OA". Ako lang ata nag-iisip nito. At siya ano, 'dedma'? Wala lang naman sa kanya ito kahit mabasa pa ng mayabang na yun. Tapos, sasabihin na naman niya, "madrama ka!". Nakakaasar kaya yung ganun. Kung alam ko lang, nasa loob ang kulo ng taong yun. Pasimple kasi. Hep hep. Mayroon pala akong naimbento. Bahala ka ng umintindi dito.

"Paano ka makakarating sa kasalukuyan kung ang nakaraan pilit kang binabalikan?"